Monday, November 9, 2009

Pasko na

Kadalasan pag nagsimula na ang mga "-ber" months ay hudyat na na palapit na ang pasko. Ngunit sa akin, pag may christmas station ID na ang ABS-CBN dun ko talagang nafifeel na malapit na nga ang pasko. Para sa taong ito ang tema ng kanilang station id ay: "Bro, ikaw ang star ng pasko". Talaga namang mahusay gumawa ang abs-cbn ng mga station id, aminado ako doon. Sa katunayan, sa tuwing maririnig at matutunghayan ko ang station id na ito ay mapapakanta din ako. May song recall din ang kantang ginamit nila at talagang nakaka-LSS. Effective. Haha.

Wala lang, feel ko na ang pasko. Haha. Naglagay na nga ako ng countdown dito sa blog ko eh. Hehe.

Maging masaya sana ang lahat sa darating na Pasko. (Idealist?? Haha.)

Sa ngayon, kakanta na muna ako. "Salamat sa liwanag Mo..." lalalalala. :)

No comments:

Post a Comment